Naglaan ang gobyerno ng kabuuang P138.77-B para sa higher education programs at initiatives.
Ayon sa Dep’t of Budget and Management, P107.04-B ang mapupunta sa State Universities and Colleges, at P31.73-B sa Commission on Higher Education.
Gagamitin naman ang P45.80-B para sa Universal Access to Quality Tertiary Education Program.
P1.52-B ang inilaan para sa Student Financial Assistance Programs, at nasa mahigit 21,000 estudyante ang makikinabang sa scholarships at grant-in-aids.
P500 million ang alokasyon sa Medical Scholarship and Return Service Program, at P167 million para sa pag-subsidize sa tuition fees ng medical students.
Iginiit ni DBM sec. Amenah Pangandaman na mismong si Pang. Ferdninand “Bongbong” Marcos Jr. na ang nagsabing ang edukasyon ang maituturing na pinaka-magandang investment para sa bayan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News