dzme1530.ph

Adjustment sa sahod, hindi pa nadedesisyunan; dagdag-sahod ngayong Labor day, negative!

“Walang lalabas na adjustment sa sahod”, ito ang binigyang diin ni Labor sec. Bienvenido Laguesma, dahil dumaraan aniya sa proseso ang mga petisyon hinggil sa dagdag-sahod.

Binigyang-diin ni Laguesma na may sinusunod na ‘time frame’ sa pagpapalabas ng desisyon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards kung kaya’t malabong ibaba ang desisyon ngayong Labor Day.

Nabatid na may 8 petisyon para sa dagdag-sahod ang kasalukuyan pang pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kabilang sa mga lugar na may petisyon ng dagdag-sweldo para sa mga manggagawa ay ang National Capital Region, CALABARZON, Western Visayas, at Central Visayas.

Ang labor day sa Pilipinas ay deklaradong Regular Holiday sa ilalim ng proclamation no.90 ng Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr., kung saan ang lahat ng mga may pasok sa trabaho ngayong araw ay makatatanggap ng 200% ng kanilang arawang sahod.

About The Author