Magpapautang ang Asian Development Bank (ADB) sa Pilipinas ng $500-M.
Ito ay upang mabigyan ang bansa ng mabilis na access sa pondo, sakaling magkaroon ng kalamidad o health emergencies.
Sinabi ng ADB na layunin ng Second Disaster Resilience Improvement Program na palakasin kapasidad ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), sa national at local levels.
Target din na maabot ang pangmatagalang katatagan upang mapagaan ang epekto ng mga kalamidad, lalo na sa most vulnerable sectors.
Idinagdag ng ADB na maaring i-replenish ang programa ng dalawang beses at papayagan ang renewal kung mayroong hindi nagamit na pondo pagkatapos ng initial 5-year period. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera