Magkakaloob ng Asian Development Bank ng halos $3-M o P16.6-B na grants para sa “Walang Gutom 2027” o Food Stamp Program ng Dep’t of Social Welfare and Development.
Sa press briefing sa Palasyo, inihayag ni DSWD sec. Rex Gatchalian na gagamitin ang halos $3-M para sa pilot test ng food stamp program mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.
Sa pagtataya naman ng DSWD ay aabot sa P11-B ang kakailanganin para sa first run ng programa sa susunod na taon, at P40-B kapag naabot na ang target na 1-M benepisyaryong pamilya, kasama na ang administrative costs.
Sinabi naman ni Gatchalian na maaari silang tulungan ng United Nations sa paghanap ng multilateral windows sa pagpo-pondo ng programa, upang hindi ito kailanganing akuin ng Pilipinas nang mag-isa.
Una nang ibinahagi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na maaaring makatulong ang ADB sa food stamp program, kung saan bibigyan ng P3,000 food credits ang bawat mahihirap na pamilya upang kanilang maipambili ng mga pangunahing pagkain.
Sa ngayon ay nasa designing stage pa ang DSWD sa food stamp program na sisikaping tapusin sa Hunyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News