dzme1530.ph

ADB, magkakaloob ng $4-B grants para sa socio-economic agenda at Build Better More program ng gobyerno ngayong taon

Magkakaloob ang Asian Development Bank ng $4-B o P222.9-B na grants sa Pilipinas ngayong taon, para sa socio-economic agenda at Build Better More Infrastructure Program ng pamahalaan.

Ayon sa Malacañang, ito ang tiniyak mismo ni ADB president Masatsugu Asakawa kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang pagpupulong sa ADB Reception Event sa Mandaluyong City noong Lunes.

Ayon umano kay Asakawa, ang pondo ay magagamit sa preparasyon ng ilang transformative projects tulad ng Bataan-Cavite Interlink Bridge, Davao Public Transport Modernization Project, at Integrated Floor Resilience and Adaptation project.

Bukod dito, patuloy ding tutulong ang ADB sa paglaban sa climate change sa harap ng madalas na pagtama sa Pilipinas ng severe weather events.

Mula noong 2018 hanggang 2022, umabot na sa $12.7-B ang grants ng ADB sa bansa, kabilang ang ipinagkaloob na loan assistance noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic at mga lockdown. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author