dzme1530.ph

Abogado sinampahan ng kasong administratibo

Dalawang taong suspensyon ang ipinataw ng Korte Suprema sa isang Abogado matapos ireklamo ng kapwa abogado ng sexual harassment.

Sinampahan ng reklamong administratibo ang hindi pinangalanan na respondent na senior partner sa isang law firm.

Ayon sa Junior Attorney, madalas umano siyang sabihan ng senior partner ng dirty jokes, mga sekswal na pasaring at mga pag-uusisa sa romantic relationships ng complainant.

Ipinaalala ng Korte Suprema na ang sexual harassment sa trabaho ay hindi lamang tungkol sa pisikal na pag-sasamantala kundi ang paggamit ng kapangyarihan at awtoridad ng isang superior officer sa mas nakaba-baba sa kanya sa pamamagitan sexually-charged conduct o sexual undertones.

Samantala Hindi naman kumbinsido ang korte sa depensa ng respondent na “mis-interpreted” lamang umano siya, ng complainant.

Ayon sa SC kahit humingi na ng kapatawaran ang respondent, hindi pa rin mai-aalis, ang  idinulot nito na trauma sa complainant, na kailangan pang sumailalim sa psychotherapy treatment, dahil sa pinagdaanan nito. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

 

About The Author