Inaasahang lalago sa 1.4 million metric tons ang maaaning bigas ngayong Setyembre, sa pagsisimula ng pag-a-ani ng mga magsasaka.
Sinabi ni Bureau of Plant Industry (BPI) Director Gerald Glenn Panganiban, na may ilang magsasaka ang inagahan na ang kanilang pagha-harvest, upang magkaroon ng sapat na supply at mapunan ang local demand.
Idinagdag ni Panganiban na kapareho rin ng kanilang projection ngayong Setyembre ang maha-harvest sa Oktubre, at mananatili aniyang bukas ang importasyon kung kakailanganin.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Agriculture, ang presyo ng local commercial rice sa mga palengke sa Metro Manila ay naglalaro sa P40 hanggang P66 per kilo habang ang imported commercial rice ay mula P45 hanggang P60 kilo depende sa variety. —sa panulat ni Lea Soriano