dzme1530.ph

Cash remittances noong Abril, naitala sa $2.48-B

Naitala sa $2.48-B ang cash remittances mula sa Overseas Filipinos na ipinadaan sa mga bangko noong Abril.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mas mataas ito ng 3.7% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Samantala, ang cash remittances mula Enero hanggang Abril, ay umabot na sa $10.49-B, na mas mataas ng 3.2% kumpara sa unang apat na buwan ng 2022.

Sinabi ng BSP na malaking bahagi sa paglago ng cash remittances ay mula sa United States, Singapore, Saudi Arabia, at Japan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author