Isang 13- anyos na Egyptian ang sumuko sa militar kasama ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group, ayon sa Western Mindanao Command.
Inilarawan bilang “The last juvenile foreign terrorist on the periodic list,” sinabi ng militar na pumasok sa bansa ang bata noong 2017 bilang turista, kasama ang kanyang stepfather, ina, at dalawang kapatid.
Umanib ang kanilang pamilya sa Abu Sayyaf sa Basilan at lumipat sa Sulu para sumama kay ASG Leader Hatib Hajan Sawadjaan noong 2018.
Sa impormasyon ng AFP, namatay ang ina ng bata nang pasabugin nito ang sarili sa gitna ng pag-atake sa checkpoint ng militar noong September 2019 habang isa sa mga kapatid nito ay napaslang sa engkwentro noong November 2019.
Ang isa pa nitong kapatid na kinilalang si Yusof ay nasawi rin sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo noong April 2021. —sa panulat ni Lea Soriano