Maaring i-endorso ng incumbent officials ang mga kandidato sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) subalit hindi dapat sila bahagi ng anumang political parties.
Pahayag ito ni COMELEC Exec. Dir. Teofisto Elnas Jr., kasabay ng paliwanag na alinsunod ito sa “non-partisan” concept ng BSKE, matapos ang consultative meeting na isinagawa sa Ilocos Norte.
Ipinaliwanag naman ni COMELEC Chairman George Garcia na ang ibig sabihin ng “non-partisan” ay hindi pinapayagan ang mga kandidato sa halalang pambarangay na magdeklara ng political parties sa paghahain ng kanilang Certifates of Candidacy.
Sinabi pa ni Garcia na bagaman maaring payagan ang local officials na ikampanya ang BSKE candidates ay hindi sila maaring gumamit ng anumang pondo mula sa Municipal o City Hall para isulong ang kadidatura ng partikular na kandidato. —sa panulat ni Lea Soriano