Inaasahan ng Manila International Airport Authority na maku-kompleto ang pag-upgrade ng mga pasilidad sa Ninoy Aquino International Airport sa loob ng tatlong taon.
Sinabi ni MIAA officer-in-charge Bryan Co na gumagawa sila ng mga hakbang at ini-explore ang lahat ng posibilidad upang maisakatuparan ang kanilang target batay sa kanilang prayoridad.
Sa kasalukuyan aniya ay minamadali ng MIAA ang major rehabilitation projects at improvements sa passenger processing systems sa airport.
Kabilang upgrades ay ang pagpapalit ng passenger boarding bridges at chillers, pagsasaayos ng taxiways, expansion ng surveillance coverage, at digitization ng operations at passeger systems. —sa panulat ni Lea Soriano