dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos ang 90-araw na pagbibigay ng relief assistance sa mga apektado ng pag-aalboroto ng bulkang Mayon

Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng relief assistance sa loob ng 90-araw para sa mga apektado ng pag-aalboroto ng bulkang Mayon sa Albay.

Sa situation briefing sa Albay Astrodome sa Legazpi City, inihayag ng Pangulo na ayon sa Dep’t of Science and Technology, tinatayang aabot sa 45 hanggang 90-araw ang aktibidad ng bulkan.

Kaugnay dito, palalawakin pa ng national gov’t ang tulong sa mga lokal na pamahalaan upang hindi masaid ang kanilang quick response funds.

Tiniyak naman ni Dep’t of Social Welfare and Development sec. Rex Gatchalian na nakapagpakalat na sila ng 153,000 food packs para sa 90-day cycle ng bulkan.

Samantala, ipinabatid din ng Pangulo ang pagiging kuntento sa pag-aksyon ng gobyerno sa sitwasyon, dahil kanila umano itong napaghandaan at sa ngayon ay wala pang naitatalang casualty. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author