Tiniyak ni Department of Trade and Industry Usec. Ruth Castelo sa mga residente ng Albay na walang dahilan para mag-panic buying ng pagkain at iba pang pangangailangan, sa gitna ng pag-a-alboroto ng bulkang Mayon.
Sa laging handa public briefing, ipinaliwanag ni Castelo na bago pa man magkaroon ng kalamidad ay inaabisuhan na nila ang mga retailer na siguruhing kumpleto ang kanilang supply at mag-replenish, upang hindi mangamba ang mga consumer na sila ay maubusan.
Kahapon ay ipinatupad ng DTI ang 60-day price freeze sa lalawigan kasunod ng deklarasyon ng local government unit na State of Calamity. —sa panulat ni Lea Soriano