Nanawagan si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Ambassador at Envoy ng iba’t ibang bansa na pasiglahin pa ang ugnayan sa Pilipinas.
Sa Independence Day Vin d’honneur sa Malacañang, hinimok ng Pangulo ang Diplomatic community na dalhin sa panibagong ibayo ang kanilang relasyon sa bansa.
Ang Diplomatic Corps ay pinangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, at kinabibilangan ito ng iba’t ibang foreign envoys.
Ang Vin d’honneur naman ay isang tradisyon na kalimitang isinasagawa tuwing bagong taon at Araw ng Kalayaan.
Samantala, hinikayat din ni Marcos ang mga kawani ng gobyerno at pribadong sektor na patuloy na makipagtulungan sa paghahatid ng ginhawa sa mga Pilipino. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News