dzme1530.ph

DTI, nagpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Albay

Nagpatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa lahat ng mga pangunahing bilihin sa Albay sa harap ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon.

Sakop ng price freeze ang wet markets, supermarkets, groceries, bakeries, hardware stores, at water refilling stations.

Sila ay pinaalalahanan ng DTI na sumunod sa price control act, kung saan pinagbabawalan ang mga negosyante na magsamantala sa presyo ng mga bilihin.

Sa harap ito ng umiiral ngayon na state of calamity sa Albay.

Ang price freeze sa Albay ay paiiralin sa loob ng 60 araw, alinsunod sa Republic Act 7581 bilang pagprotekta sa consumers sa panahon ng kalamidad. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author