dzme1530.ph

3 biktima ng Trafficking, hinarang sa NAIA

Na-offload ang tatlong traveller sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa hinihinalang mga biktima ng human trafficking.

Ang tatlong pasahero na hinarang ng immigration inspectors sa NAIA, ay kinabibilangan ng dalawang babae at isang lalake na patungong Lebanon at Syria.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ang tatlong pasahero ay nasabat sa NAIA Terminal 1 at 3 noong June 9 at 10, na pasakay na sa eroplano patungon Middle East.

Na-offload aniya ang tatlo matapos aminin ang dahilan nang pagbiyahe.

Ang isa ay nagsabing magsisilbing yaya sa ngunit umamin na siya ay magtratrabaho bilang domestic helper sa Syria

Ang ikalawa – naman aniya ay nagsabing magbabakasyon sa Kuala Lumpur, Malaysia ngunit sa huli ay umamin na magtutungo siya sa Lebanon kung daan ay dati na siyang nagtrabaho bilang household helper.

Ang ikatlong – pasahero naman ay nagpakita ng pekeng Saudi Arabian visa ngunit ay nagsurender ng kanyang United Arab Emirates (UAE) visa at inamin na siya ay nagtratrabaho sa Dubai bilang maid. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author