dzme1530.ph

Mayorya ng Pinoy Millenials, Gen Z, nagta-trabaho ng part-time, full-time —Survey

Mayorya ng Filipino Millenials at Generation Z ang nagta-trabaho ng full-time o part-time.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Deloitte, isang professional services firm, lumalabas na 71% ng filipino millenials o mga ipinanganak sa pagitan ng January 1983 hanggang December 1994 at 65% ng Gen Z’s o mga ipinanganak sa pagitan ng January 1995 hanggang December 2004 ay nagta-trabaho ng part-time o full-time, ito ay mas mataas kumpara sa global average na 37% para sa millenials at 46% sa Gen Zs.

Kaugnay nito, 66% ng millenials at 56% ng Gen Zs ang nagsabi na kailangan nila ng secondary source of income, habang 40% ng parehong generation groups ang naniniwala na nakatutulong ang part-time jobs sa pagbuti ng kanilang skills at pakikipagkapwa.

Inamin din ng 58% ng filipino millenials at 59% ng Gen Zs na nababahala ito sa kanilang paycheck o sahod na baka hindi sumapat sa pang-araw-araw na gastos.

Samantala, 6 sa bawat 10 millenial at Gen Zs ang naniniwala na mas mahirap o imposible na makakuha sila ng bagong trabaho sakaling hindi bumuti ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author