Sa paggunita ng ika-125 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, hinimok ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang taumbayan na buhayin ang kabayahinan sa puso ng kasalukuyang henerasyon.
Sa talumpati ni Speaker Romualdez bilang panauhing pandangal sa Pambansang Bantayog ni Gat Andres Bonifacio, sa Caloocan City, sinabi nito sa kanyang palagay hindi pa tapos ang laban ni Gat Andres at iba pang bayani.
Para kay Romualdez hindi ganap ang kalayaan kung may naghihirap pa rin sa lupang tinubuan.
Sinabi nito na ang laban sa kalayaan ay hindi lamang himagsikan laban sa mga mananakop, laban din aniya ito para wakasan ang kagutuman, laban para maranasan ang ginhawa sa buhay, at laban para matiyak ang kinabukasan.
Hindi rin kinalimutan rin ni Romualdez na pasalamatan ang iba pang bayaning Pilipino na nagbuwis ng buhay kaya tinatamasa natin ngayon ang kalayaan. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News