dzme1530.ph

Mga pamilyang apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano, isasailalim sa livelihood training habang nasa evacuation centers

Nakikipag-ugnayan ang Provincial Government ng Albay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa posibleng trainings na maaring ipagkaloob sa mga pamilyang nasa evacuation centers.

Ang hakbang ay bahagi ng paghahanda ng lalawigan sakaling tumagal pa ang pagpapakita ng abnormalidad ng Mayon Volcano.

Sinabi ni Gov. Edcel Greco Lagman, na malaking tulong at karanasan ang maibibigay na livelihood trainings sa mga kababaihan o kabataan na una nang inilikas mula sa 6-kilometer permanent danger zone (PDZ).

Matatandaan na sa mga nakalipas na pag-alboroto ng bulkan ay inabot ng 45 hanggang 90-araw ang libo-libong pamilya sa mga evacuation center. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author