dzme1530.ph

MERALCO, inako ang kasalanan sa pinakahuling power outage sa NAIA

Tinukoy ng MERALCO na bunsod ng electrical fault na dulot ng grounding conductors at aksidenteng naiwang nakakabit sa electrical equipment ang sanhi ng pinakahuling power outage sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Biyernes.

Sinabi ni MERALCO spokesperson Joe Zaldarriaga na hindi sinasadyang naiwan ng personnel ng MSERV, na pag-aari ng subsidiary ng MERALCO na nagsasagawa ng testing activities sa NAIA Terminal 3, ang grounding conductors.

Kasabay nito ay humingi ng paumanhin si Zaldarriaga sa abalang idinulot ng nangyaring power interruption.

Tiniyak din nito sa Manila International Airport Authority, Department of Transportation, at sa commuting public na nagsasagawa na sila ng mga hakbang upang maiwasang maulit ang kahalintulad na insidente. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author