dzme1530.ph

Bidding para sa pagsasapribado ng NAIA, target simulan sa Setyembre

Target ng Department of Transportation na simulan sa Setyembre ang bidding para sa operations, maintenance, at upgrading ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Transportation Usec. for Aviation and Airports Roberto Lim, inaabangan pa nila ang approval ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, na pinamumunuan ng Pangulo.

Kaugnay ito sa isinumite ng DOTr at Manila International Airport Authority na joint proposal para sa naia Public Private Partnership Project.

Nakasaad sa proposal na isang private concessionaire na bibigyan ng 15-taon para i-operate ang NAIA, ang kailangang mag-invest sa modern air traffic control equipment, pag-rehabilitate sa runways at taxi ways, at pagpapaganda ng terminal facilities. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author