Aminado si Sen. Christopher “Bong” Go na sadyang mahalagang magkaroon na ng permanenteng kalihim sa Department of Agriculture.
Ito ay dahil pinakaimportanteng ahensya anya ang D.A. kaugnay ng food security sa bansa.
Gayunman, prerogative anya ng Pangulo ang pagtatalaga ng mga miyembro ng kanyang gabinete.
Bilang appointing authority anya ay si Pang. Bongbong Marcos ang mas nakakaaalam kung kailan siya magtatalaga ng kalihim.
Tiwala naman ang senador na ang mapipiling D.A. Secretary ay mapagkakatiwalaan at magsusulong ng mga programa para sa food security at proteksyon sa mga local farmers.
Mahalaga anyang mapagtuunan ng atensyon ang mga lokal na magsasaka na maituturing na mga isang kahig isang tuka subalit pinakamahalagang bahagi ng food chain. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News