Kinumpirma ng Manila international Airport authority (MIAA) na tumaas ng 10% ang bilang ng arriving at departing passengers sa NAIA kasunod ng paglilipat ng Airlines.
Ayon sa MIAA pinakamalaking bilang ng volume ng mga pasahero na dumadagsa sa NAIA kada araw ay sa umaga.
Sa NAIA Terminal 3 pa lamang ay nakakapagtala na ng 17,000 na mga pasahero sa departure kada araw at 16,000 naman sa arrival.
Inaasahan namang lalo pang dadagsa ang international travelers sa bansa sa mga susunod na araw matapos na mag-anunsyo ang mga low-cost Air carrier na AirAsia na magpapasok sila ng malaking bilang ng mga turista sa Pilipinas. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News