Tumaas ng 22.83% ang halaga ng metal production ng bansa sa unang quarter ng taon, ayon sa Mines and Geosciences Bureau.
Sa report, sinabi ng MGB na umabot sa P58.92-B ang value ng production.
Pinakamataas ang halaga ng gold na nasa P27.74-B o 47.08% ng kabuuang produksyon.
Ang nickel ore at iba pang nickel byproducts ay nakapagtala ng P3.85-B habang ang copper ay nasa P6.52-B, at ang pinagsama-samang output ng silver, chromite, at iron ay nasa P0.81-B. —sa panulat ni Lea Soriano