Pinuna ng ilang mangingisda at climate activist ang isinagawang Mangrove Planting Activity ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Bohol.
Ayon kay mangrove botanist Genea Cortez, maaaring makaapekto sa katubigan ang pagtatanim ng DENR ng Rhizophora Species, o maling uri ng bakawan sa lugar na isang seaward zone.
Paliwanag ni Cortez, may mga species ng bakawan na dapat itinatanim sa partikular na lokasyon sa mangrove zonations na landward zone, midzone, at seaward zone.
Iginiit din ni Mangrove Matters PH Founder Matthew Tabilog na dapat mga bungalong o pagatpat na bakawan, na existing na, ang itinanim sa lugar at hindi na hinaluan ng bakhaw o rhizophora propagules na posibleng mamerwisyo sa lugar.
Sa ngayon, wala pang tugon ang DENR sa ginawang pahayag ng mangrove advocates.