dzme1530.ph

Pagkain ng hipon, nakatutulong nga ba bilang Anti-Aging?

Ang hipon o shrimp sa ingles ay mayaman sa iba’t ibang nutrisyon gaya ng Vitamin E, Protina, Calcium, Carbohydrate, Iron, Magnesium, Phosphorus, Potassium, Sodium, at Zinc. Ngunit alam niyo ba ito ay may Anti-Aging properties din?

Taglay ng hipon ang Carotenoid na tinatawag na Astaxanthin, isang powerful antioxidant na nakapagpapababa ng senyales ng pagtanda ng balat o ang pagkakaroon ng wrinkles dulot ng free radicals.

Bukod sa skin benefits nito, nakatutulong din ang pagkain ng hipon upang mabawasan ang tyansang magkaroon ng sakit sa puso at Alzheimer’s Disease.

Kaya naman payo ng mga eksperto na ugaliing kumain ng hipon kung walang allergy rito. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author