Maraming dalang benepisyo ang regular na stretching.
Nakatutulong itong ma-develop ang flexibility na isa sa limang pangunahing aspeto ng fitness, kaya karaniwang may stretching bago mag workout, exercise, o anumang pisikal na gawain.
Ang basic stretching ay nakakapagpabuti ng posture at nakababawas ng stress at pananakit ng katawan. Nakababawas ito ng paninigas ng muscles at risk injury.
Sa pamamagitan din nito ay naiibsan ang pananakit ng partikular na parte ng katawan at nakakapag-boost ng performance, sa sports man o sa workout.
Nakakatulong din ang stretching na mapakalma ang isip at nakakawala rin ito ng sakit ng ulo. —sa panulat ni Lea Soriano