dzme1530.ph

Inflation rate sa bansa, bumaba sa 6.1% noong Mayo

Bumaba sa 6.1% ang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa noong Mayo.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ito ay mas mababa kumpara sa 6.6% na naitala noong Abril.

Gayunpaman, nananatili pasok ang nasabing bilang sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 5.8% hanggang 6.6%, subalit mababa ito sa target ng pamahalaan na 2% hanggang 4%.

Samantala, kabilang sa nag-ambag ng mabagal na inflation ang presyo ng produktong petrolyo, ilang pagkain at transport costs. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author