Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na malaking tulong sa katatagan ng bansa ang appointments nina Defense Sec. Gibo Teodoro at Health Sec. Ted Herbosa.
Sinabi ni Zubiri na tried and tested public servant na si Teodoro kaya tiwala siyang mapamumunuan nito nang maayos ang Department of National Defense sa gitna ng tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo ng bansa.
Napapanahon naman anya ang pagtatalaga kay Herbosa sa Department of Health lalo pa’t naipasa na ng Kongreso ang panukala para sa pagtatayo ng Regional Specialty Centers at umaasa rin siyang maipatutupad ng kalihim ang whole-of-nation approach sa pagpapalakas ng public health services.
Sinabi ni Zubiri na sa appointments nina Teodoro at Herbosa, tinugunan ni Pang. Marcos ang dalawang isyu ng bansa sa kasalukuyan – ang ating territorial integrity – at ating full recovery mula sa pandemic.
Sa pamamagitan ng dalawang opisyal anya ay mapapalakas ang laban para sa ligtas at matatag na bansa na suportado ng healthy population. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News