dzme1530.ph

Seguridad sa araw ng BSKE tiniyak ng COMELEC at PNP, sa ginawang close meeting

Nagsagawa ng Joint Coordination Close Meeting ang Commission on Election at Philippine National Police, para sa tahimik, malinis, at payapang halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) ngayong Oktubre.

Ito ang naging pakay ni PNP Chief General Benjamin Acorda ng magtungo ito sa COMELEC kahapon, na layuning tiyakin ang mga kahandaan ng pulisya para tumulong sa Komisyon sa pagbibigay ng seguridad sa buong bansa.

Mariing sinabi pa ni PNP Chief, na makatitiyak at wag mangamba ang mga Pilipino, dahil handa ang mga pulis nito para tiyakin ang isang mapayapang halalan.

Pinasalamatan naman ni Chairman George Erwin Garcia ang dedikasyon ng PNP na magbibigay ng seguridad sa mga botante, poll watchers, election officers at iba pang sektor para sa isang tahimik na Barangay at SK election. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author