Ang pagkain ng prunes ay nakatutulong upang makaiwas sa osteoporosis, na pinaka-karaniwang sakit sa buto.
Ito ang sanhi ng pagkawala ng bone mass na nagiging dahilan upang humina at rumupok ang buto lalo na sa mga matatanda.
Sa pananaliksik ng Integrated & Biomedical Physiology Program at ng Dept. of Nutritional Sciences & Kinesiology sa Pennstate University, lumalabas na sa mahigit 100 lumahok sa pakonsumo ng 6 hanggang 12 piraso ng prunes sa loob ng isang taon, nakitang bumaba ang kanilang inflammatory markers o ang basehan ng pamamaga ng bahagi ng katawan.
Kaya naman, ipinapayo ng mga eksperto na kumain ng prunes kasabay ng mga pagkaing mayaman din sa Calcium at Vitamin D. —sa panulat ni Lea Soriano