Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang isasara sa mga motorista ang Roxas Blvd. upang bigyang-daan ang mga aktibidad para sa paggunita ng ika-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12.
Ipapatupad ang pagsasara ng kalsada sa kahabaan ng Roxas Blvd. mula TM Kalaw hanggang P. burgos, bothside mula 5am hanggang 10am para sa isang flag raising ceremony.
Samantala, pansamantalang isasara ang Katigbak Parkway, South Rd, at Independence Rd. mula 12:01am hanggang 10:00pm para bigyang-daan ang isang civic military parade.
Ang mga apektadong cargo trak na papunta sa North Harbor ay pinapayuhan na dumaan mula sa SLEX diretso sa Osmeña Highway pagkatapos ay kumanan sa Quirino Ave., diretso sa Nagtahan St., papunta sa Lacson Avenue, kaliwa sa Yuseco St., at diretso sa Capulong St. kaliwa sa R-10 hanggang sa kanilang destinasyon.
Bukod dito, ang mga trak na magmumula sa Parañaque Area ay kumanan sa Quirino Ave. hanggang Nagtahan pagkatapos Lacson Ave.
Ang mga papunta naman sa timog ay maaaring gumamit ng parehong ruta.
Samantala, magtatalaga ang MMDA ng mga traffic enforcer para tumulong sa pamamahala sa trapiko; at mag-deploy ng mga tow truck, ambulansiya. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News