dzme1530.ph

5% discount ng senior citizens sa electricity at water bill, pinapalawig

Nais ni Sen. Lito Lapid na palawigin ang saklaw ng 5% diskwento ng senior citizens sa bayarin sa kuryente at tubig.

Sa kanyang Senate Bill no. 2169, pina-aamyendahan ni Lapid ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Layunin nito na ipatupad ang 5% discount sa unang 150 kilowatt hours sa konsumo ng kuryente  at sa unang 50 cubic meters sa water consumption.

Sa ngayon, ang saklaw ng diskwento ay ang unang 100 kilowatt hours na konsumo sa kuryente ay ang unang 30 cubic meters sa tubig.

Sinabi ni Lapid na maraming senior citizens ang mahihirap at kapos magbadyet ng kanilang pensyon kaya nararapat lang mapagkalooban ng konting ginhawa.

Sa ilalim din ng panukala ni Lapid, gagawing exempted sa Value Added Tax ang electricity at water consumption ng mga senior citizen.

Makatutulong anya ang discounted utility bills ng mga senior citizen para aa kanilang medical needs.

Bukod dito, makakatulong din ito para pasiglahin ang ekonomiya dahil ang perang matitipid sa electricity at water bills ay ibibili rin ng pagkain, mga gamot at iba pang pangangailangan ng mga lolo’t lola.  —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author