Binigyan na ng Go signal ng National Economic and Development Authority Board ang negosasyon para sa inaprubahang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway Extension Project.
Ayon sa Presidential Communications Office, binigyan na ng permiso ng NEDA Board ang Dep’t of Public Works and Highways upang simulan ang negosasyon para sa original proponent ng proyekto.
Kaugnay dito, bumuo ang Dep’t of Finance ng provisions para sa parameters, terms, at conditions upang malimitahan ang liabilities ng gobyerno sakaling magkaroon ng problema ang concessionaire.
Iginiit ni Finance sec. Benjamin Diokno na kina-kailangan ang isang maayos na policy framework kaakibat ang transparency at accountability, sa harap ng commitment ng gobyerno sa pagpapalakas ng Public-Private Partnership.
Matatandaang sa ilalim ng T-P-Lex Extension Project, itatayo ang 59.4 kilometer 4-lane extension highway na magko-konekta sa Ilocos Region, Central Luzon, at Metro Manila. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News