dzme1530.ph

Rule of Law para sa pangmatagalan kapayaan, kailangan pairalin —Usec. Galvez

Naniniwala sa si Department of National Defense Usec. Carlito Galvez Jr., na kailangan pairalin ang Rule of Law para makamit ang pangmatagalan kapayapaan sa pagitan ng mga bansa.

Sinabi ito ni Galvez, taunang “Asia’s Premiere Defense Summit” kung saan nagpupulong ang mga Defense Minister sa Asya, na ginanap sa Singapore.

Ayon kay Galvez, dalawang punto ang ibinihagi nito sa pagpupulong kung saan para makamit ang matagalang kapayapaan sa mga kalapit na bansa ay kailangan sumunod ang mga ito sa Rule of Law at panatiliin ang dialogo sa bawat bansa.

Dagdag ni Galvez ang anuman sigalot ay kailangan idaan sa sa arbitration o paguusap gaya ng ginawa ng Pilipinas ng maghain ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea o (UNCLOS) kung saan nanalo ang Pilipinas. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author