dzme1530.ph

BuCor personnel arestado sa pagpupuslit ng tabako sa loob ng NBP

Arestado ang isang BuCor personnel na sangkot sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Base sa report ni BuCor J/SINSP Angelina L. Bautista OIC Deputy Director for Operations kay BuCor Chief Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr. minamaneho ni CO1 Marvin Ceballos BuCor personnel ang ambulansiya may plakang SAB 4894 sakay ang isang pasyenteng PDL para sa emergency referral na dumating sa NBP.

Sinabi ni Bautista na bilang protocol, lahat ng mga tauhan at sasakyang papasok sa loob ng NBP ay isasailalim sa pagsusuri kung saan nadiskubre ang mga tuyong dahon ng tabako na nakatago sa loob ng compartment ng ambulansya.

Sinabi ni Catapang, kailangang maging vigilant ang mga tauhan ng Bilibid dahil hindi lamang PDL ang binabantayan kundi pati na rin ang mga sariling tauhan nito.

Paliwanag ni Catapang ito anya ang dahilan kung bakit ang programa ay Reform BuCor, dahil magkasabay na nirereporma ang sarili nitong officers, personnel, at PDL. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author