Pinaigting ng Department of Labor and Employment ang kanilang child monitoring upang matuldukan ang problema sa child labor sa susunod na limang taon.
Sinabi ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma na inilagay nila sa kanilang priority ang pagsugpo sa child labor sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na monitoring ng profiled child laborers sa bawat probinsya at rehiyon kung saan marami ang mga batang nagta-trabaho.
Ipinaliwanag ni Laguesma na isa sa mga paraan na in-adopt ng DOLE ay ang profiling ng child laborers upang i-assess ang kanilang mga pangangailangan at ilapit ang mga bata at kanilang mga pamilya sa mga angkop na ahensya at organisasyon upang sila ay matulungan.
Batay sa Special Release on Working Children Situation for 2019 to 2021 na inilathala ng Philippine Statistics Authority, mayroong 1.37 million na mga batang nagta-trabaho, kabilang ang 935,000 na engaged sa child labor. —sa panulat ni Lea Soriano