dzme1530.ph

GSIS, naglaan ng P437-M na halaga ng emergency loan para sa 10 lugar na tinamaan ng mga kalamidad

Naglaan ang Government Service Insurance System ng halos kalahating bilyong pisong emergency loans para sa sampung lugar na sinalanta ng mga kalamidad.

Sinabi ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na sa pamamagitan ng paghahanda ng mahigit P437.5-M na emergency loan ay umaasa silang makatutulong sila na mapagaan ang pasanin ng kanilang 18,573 members at pensioners na lubhang naapektuhan ng krisis sa kuryente at pagbaha kamakailan.

Ang naturang emergency loan ay available para sa active members at pensioners na naka-base sa siyam na lugar sa Occidental Mindoro na apektado ng power crisis, pati na sa munisipalidad ng Prosperidad sa Agusan del Sur sa Mindanao na sinalanta ng flash floods at landslides.

Ang application period para sa emergency loan ay hanggang sa June 21, 2023. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author