dzme1530.ph

Alegasyong tinortyur, pinilit umamin ang suspect-witnesses ng mga ahente ng NBI, pinaiimbestigahanan ng DOJ

Ipinag-utos ni Justice sec. Jesus Crispin Remulla na imbestigahan ang alegasyon ng ilang akusado sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo na tinortyur umano sila ng mga otoridad at pinilit na idawit sa krimen si suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.

Gayunman, hindi itinago ng kalihim ang pagdududa sa ibinunyag ng mga akusado na sinaktan sila ng mga ahente ng National Bureau of Investigation.

Sinabi ni Remulla na kung totoong tinortyur ng mga taga-NBI ang mga akusado ay bakit nais pa rin ng mga ito na manatili sa puder ng NBI.

Noong Miyerkules, lima pang suspek ang bumawi ng kanilang alegasyon laban kay Teves sa pamamagitan ng pagsusumite ng affidavits sa korte at paghahain ng Petitions for Habeas Corpus sa pamamagitan ng kanilang mga abogado para kuwestiyunin ang ginawang pag-aresto at pagditine sa kanila.

Matatandaang mayroon nang naunang lima na bumawi sa kanilang testimonya, kasabay ng paggiit na wala silang kinalaman sa pagpatay sa gobernador. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author