dzme1530.ph

Ex-Pres. Duterte sa panawagang pamunuan ang laban kontra iligal na droga: “mukhang hindi tama”

Muling tinanggihan ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang panawagan na pamunuan ang kampanya kontra iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Duterte,”mukhang hindi tama” ang pagiging drug czar nito, gayung nariyan ang Pang. Bongbong Marcos Jr. na siyang may katungkulan na magpatupad ng batas at magresolba ng mga krimen.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos, itanong ni Sen. Bong Go si PNP chief Benjamin Acorda Jr. sa isang pagdinig, kung mapapalakas ng dating pangulo ang kampanya laban sa iligal na droga, sakaling maglingkod ito bilang Anti-Drug Czar.

Matatandaang, gumugulong magpasangayon ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) ukol sa madugong war on drugs ng Duterte Administration.

About The Author