Malaki ang naging pasasalamat ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH), sa kongreso sa pagratipika ng House Bill No. 7551 at Senate Bill 2212 o mas kilala bilang “Regional Specialty Centers Act”.
Ito’y dahil magkakaroon na sila ng pagkakataon na pamunuan at makontrol ang mga itatayong specialty centers sa ilang mga hospital sa kada rehiyon.
Nakasaad sa kanilang pasasalamat ang na nasa 231 na bagong specialty centers itatayo sa buong bansa kung saan dahil dito, mas mapapabilis at mas madali na rin ang pagbibigay serbisyong medikal ng DOH sa publiko.
Sa naging mensahe ni DOH Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Vergeire, sisikapin nilang maisaktuparan ang pagtatayo ng mga specialty center sa loob ng limang taon base na rin sa mga lugar na nagkakaroon ng pagtaas ng bilang ng malubhang sakit at lubos na nangangailangan ng tulong.
Dagdag pa na sa pamamagitan nito ay mas lalo pang mapapalakas ang implentasyon ng Universal Health Care Law.
Tinitiyak naman ng ahensya ng kalusugan o DOH na ang mga itatayong specialty center kada hospital, ay may mga kagamitan na makakatugon, sa mga pangangailangan, at may mga expert personnel at medical specialists. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News