Ibinasura ng Court of Tax Appeals ang apela ng pamahalaan sa pagpapawalang-sala ng Korte sa Rappler CEO na si Maria Ressa sa apat na tax cases.
Sa resolusyon na isinapubliko noong May 18, 2023, sinabi ng CTA na walang matibay na dahilan para baliktarin nito o baguhin nito ang desisyon na ibinaba noong January 18, 2023.
Binigyang diin ng Korte na maingat na pinag-aralan ang lahat ng mga ebidensya na naging dahilan ng pag-abswelto sa akusado, kaya makatwiran lamang na sabihin na walang mistrial na nangyari.
Muling inihayag ng CTA na walang civil liability na maaring ipataw sa Rappler dahil wala namang nakitang pananagutan ang kumpanya para sa deficiency taxes, taliwas sa apela ng nagsasakdal na obligadong magbayad ang kumpanya ng umano’y tax deficiencies.