dzme1530.ph

Makabagong teknolohiya, gagamitin ng gobyerno upang mahikayat ang kabataan sa agri-business at farming

Gagamitin ng gobyerno ang makabagong teknolohiya sa sektor ng agrikultura, upang mahikayat ang kabataan na pumasok sa agribusiness at farming.

Ayon kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hangad nilang maibaba ang average age ng Filipino farmers na kasalukuyang naglalaro sa 56 hanggang 57 years old.

Mahalaga rin umano ang patuloy na pag-innovate at pag-mechanize sa farming system upang ma-engganyo ang kabataan sa agrikultura.

Samantala, gagamitin din ng gobyerno ang digitalization upang mas maayos na maihatid ang mga datos sa mga magsasaka at kooperatiba.

Kasama na rito ang digitalization sa rice sector at consolidation ng mga lupang sakahan, na lahat ay tinalakay sa rice industry convergence meeting sa National Irrigation Administration. — ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author