dzme1530.ph

100 unibersidad sa bansa, nanganganib magsara dahil sa kakapusan ng pondo

Posibleng magsara ang nasa 100 pribadong unibersidad sa bansa dahil sa kakulangan ng pinansyal.

Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader Rep. Paul Daza, ito’y dahil mayroong P6-B utang ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga ito kung saan mayorya aniya rito ang mga kolehiyo sa Mindanao Region.

Nabatid na nag-ugat ang pagkakautang matapos hindi makapagbayad ang CHED ng tuition reimbursements sa ilang private universities na kabilang sa mga nag-implementa ng Free Tuition Program ng gobyerno sa ilalim ng Republic Act 10931 o ang Free Access to Tertiary Education Act.

Sa ngayon, aabot na sa 44% ang bilang ng mga mahihirap na estudyante na piniling mag-drop out, na patuloy pang tumataas.

About The Author