Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay-hustisya sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Cresenciano Aldovino Bunduquin.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) MIMAROPA Regional Director Police Brig. General Joel Doria, mariin nilang kinokondena ang pamamaril kay Bunduquin at hindi sila titigil hangga’t hindi napapanagot ang mga taong sangkot sa nasabing pagpatay.
Mayroon na aniyang binuong Special Investigation Task Group para sa mabilisang pagresolba ng kaso.
Nabatid na binaril ng riding-in-tandem si Bunduquin sa tapat ng kanyang tindahan sa C5 Road, Brgy. Sta. Isabel, Calapan, Oriental Mindoro, madaling araw kahapon.