Ikinalugod ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee ang pagpasa ng Senate Bill 2219 o ang pagpapalawig ng Estate Tax Amnesty.
Nabatid na aamyendahan ng panukala ang Republic Act no. 11213 o ang Tax Amnesty Act upang palawigin ng dalawang taon o hanggang June 14, 2025 ang amnestiya na magtatapos sana ngayong Hunyo.
Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Lee na inaasahang aabot sa P6-B ang makokolekta ng gobyerno sa mga hindi pa nase-settle na estate taxes.
Ayon pa sa Cong., sakop ng Tax Amnesty ang mga namatay noong pandemya o bago ang petsang May 31, 2022.
Sinabi naman ni Lee na magiging kapaki-pakinabang ang panukala sa gobyerno at mamamayan.