Bumaba pa ang Producers Price Index (PPI) noong Abril.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 2.3% noong nakaraang buwan ang annual growth ng PPI, mas mababa kumpara sa 2.5% na naiulat noong Marso at 6.3% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Inuugnay ng ahensya ang mababang bilang sa mabagal na manufacture o paggawa ng food products industry division na nasa 4.4% noong Abril, mas mababa kumpara sa 5.5% noong Marso.
Kabilang din sa nag-ambag sa mabagal na paglago ng PPI ang mabilis na pagtaas ng paggawa ng produktong kemikal at basic metal.
Ang PPI ay tumutukoy sa pagbabago ng average prices ng mga produkto at serbisyo. —sa panulat ni Airiam Sancho