dzme1530.ph

SRP na inilabas noong Pebrero, nananatiling epektibo —DTI

Iginiit ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling epektibo ang inilabas nilang Suggested Retail Price o SRP sa mga pangunahing bilihin noong Pebrero.

Ito ang binigyang diin ni Trade sec. Alfredo Pascual matapos humirit ang ilang manufacturers na magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.

Ayon sa kalihim, nasa bahagi pa rin sila ng pag-aaral at pagkukumpara ng presyo dahil kinakailangan ito upang mabalanse ang interes ng bawat sektor at mapangalagaan ang karapatan ng mga mamimili.

Kamakailan lang, nag-ikot ang DTI Consumer Protection Group sa pangunguna ni Usec. Ruth Castelo sa ilang piling mga supermarket at grocery store sa Kamaynilaan para tiyakin kung nakasusunod ang mga ito sa itinakdang SRP.

Hinikayat naman ng DTI ang publiko na ireport sa kanila ang mga tindahan, grocery o supermarket na magtataas ng presyo ng kanilang mga produkto na taliwas sa itinatadhana ng umiiral na SRP. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author