Nasamsam ng mga otoridad ang nasa P900-M halaga ng hinihinalang smuggled goods sa Bulacan.
Sa pamamagitan ng Letter of Authority na nilagdaan ni Commissioner Bienvenido Rubio, ipinag-utos na inspeksyunin ng BOC composite team ang mga bodega na matatagpuan sa Plaridel, Bulacan.
Nang salakayin ang lugar, tumambad sa kanila isang imbak ng sigarilyo, kasama ang iba’t-ibang paninda, mga gamit sa bahay, pati na sa kusina, at mga pekeng produkto na hinihinalang iligal na inangkat sa bansa.
Dahil sa nabunyag na mga kargamento, at nakabinbing pagsusumite ng mga kinakailangang dokumentasyon, kabilang na ang patunay ng pagbabayad ng mga tungkulin at buwis, gayundin ang mga permit sa pag-aangkat, agad na umaksyon ang BOC sa pamamagitan ng pansamantalang pag-papadlock at pagsasara sa mga bodega.
Habang ang mga may-ari ng nasabing mga bodega ay binigyan ng 15-araw na palugid para makapag-bigay ng mga kinakailangang dokumentong ebidensya.
Hinihimok ng BOC ang publiko na i-report ang anumang mga maling gawain o smuggling sa bansa. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News