dzme1530.ph

“Tinang” land case sa Tarlac, na-resolba na —DAR

Inihayag ng Dep’t of Agrarian Reform na na-resolba na ang ilang dekada nang land dispute sa Tinang Estate sa Concepcion, Tarlac.

Ayon kay DAR sec. Conrado Estrella III, ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na lutasin ang lahat ng “vintage” o nakabimbing agrarian reform cases, alinsunod sa katagang “‘Justice delayed is justice denied”.

Matapos umano ang patuloy na pakikipag-dayalogo sa stakeholders, nakapaglabas na ang DAR ng desisyon kaugnay ng Hacienda Tinang.

Kaugnay dito, nakatakda nang mag-issue ang kagawaran ng Writ of Execution, at maaaring sa susunod na dalawang linggo ay ipamamahagi na ang 450 titulo ng lupa sa 450 pamilya, at katumbas ito ng 200 ektrayang lawak ng lupa.

Mababatid na na-tengga ng halos tatlong dekada ang Tinang Case na nag-ugat sa sigalot sa lupa sa pagitan ng isang magsasaka at isang landowner, na kalaunan ay naging sigalot na ng dalawang grupo ng mga magsasaka. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author